Naghanda si Allāh para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ang pagkatamong sukdulan. At-Tawbah 9:89 ⧉
Tafsīr:
Naglaan si Allāh para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman: walang sasapit sa kanila na pagkalipol. Ang ganting iyon ay ang tagumpay na sukdulan na hindi natutumbasan ng [anumang] tagumpay.