Dumating [sa Sugo] ang mga nagdadahi-dahilan kabilang sa mga Arabeng disyerto upang mapahintulutan sila [na hindi makipaglaban] at nanatili ang mga nagpasinungaling kay Allāh at sa Sugo Niya. Tatamaan ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit. At-Tawbah 9:90 ⧉
Tafsīr:
May dumating na mga tao kabilang sa mga Arabeng disyerto ng Madīnah at mula sa paligid nito, na nagdadahilan sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang pahintulutan sila sa pagpapaiwan sa pagsugod at pakikibaka ayon sa landas ni Allāh. May nagpaiwang mga ibang tao na hindi nagdahilan sa simula pa sa pag-iwas sa pagsugod dahil sa kawalan ng paniniwala nila sa Propeta at dahil sa kawalan ng pananampalataya nila sa pangako ni Allāh. May aabot sa mga ito dahilan sa kawalang-pananampalataya nilang ito na isang pagdurusang nakasasakit at mahapdi.