Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 90)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 90

وَجَاءَ الْمُعَذِّرُونَ مِنَ الْأَعْرَابِ لِيُؤْذَنَ لَهُمْ وَقَعَدَ الَّذِينَ كَذَبُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ سَيُصِيبُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 90 ٩٠

Dumating [sa Sugo] ang mga nagdadahi-dahilan kabilang sa mga Arabeng disyerto upang mapahintulutan sila [na hindi makipaglaban] at nanatili ang mga nagpasinungaling kay Allāh at sa Sugo Niya. Tatamaan ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit. (90)

Tafsīr
May dumating na mga tao kabilang sa mga Arabeng disyerto ng Madīnah at mula sa paligid nito, na nagdadahilan sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang pahintulutan sila sa pagpapaiwan sa pagsugod at pakikibaka ayon sa landas ni Allāh. May nagpaiwang mga ibang tao na hindi nagdahilan sa simula pa sa pag-iwas sa pagsugod dahil sa kawalan ng paniniwala nila sa Propeta at dahil sa kawalan ng pananampalataya nila sa pangako ni Allāh. May aabot sa mga ito dahilan sa kawalang-pananampalataya nilang ito na isang pagdurusang nakasasakit at mahapdi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba