Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 95)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 95

سَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ إِذَا انْقَلَبْتُمْ إِلَيْهِمْ لِتُعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ فَأَعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ إِنَّهُمْ رِجْسٌ ۖ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ 95 ٩٥

Manunumpa sila kay Allāh para sa inyo kapag umuwi kayo sa kanila upang umayaw kayo sa kanila kaya umayaw kayo sa kanila. Tunay na sila ay kasalaulaan. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno bilang ganti sa dati nilang nakakamit [na kasalanan]. (95)

Tafsīr
Susumpa ang mga nagpapaiwang ito kay Allāh kapag nanumbalik kayo, O mga mananampalataya, sa kanila bilang pagbibigay-diin sa mga kadahilanan nilang bulaan, upang magpigil kayo sa panunumbat sa kanila at paninisi sa kanila. Kaya iwan ninyo sila nang pag-iwan ng isang naiinis at layuan ninyo sila. Tunay na sila ay mga salaula, mga karima-rimarim ang kalooban. Ang pananahanan nila na kakanlungan nila ay ang Impiyerno bilang ganti para sa kanila dahil sa nakakamit nila ng pagpapaimbabaw at mga kasalanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba