Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 95 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 95 sa 129 • Tagalog


سَيَحْلِفُونَ بِاللَّهِ لَكُمْ إِذَا انْقَلَبْتُمْ إِلَيْهِمْ لِتُعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ فَأَعْرِضُوا عَنْهُمْ ۖ إِنَّهُمْ رِجْسٌ ۖ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ جَزَاءً بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ 95
Pagsasalin:
Manunumpa sila kay Allāh para sa inyo kapag umuwi kayo sa kanila upang umayaw kayo sa kanila kaya umayaw kayo sa kanila. Tunay na sila ay kasalaulaan. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno bilang ganti sa dati nilang nakakamit [na kasalanan]. At-Tawbah 9:95
Tafsīr:
Susumpa ang mga nagpapaiwang ito kay Allāh kapag nanumbalik kayo, O mga mananampalataya, sa kanila bilang pagbibigay-diin sa mga kadahilanan nilang bulaan, upang magpigil kayo sa panunumbat sa kanila at paninisi sa kanila. Kaya iwan ninyo sila nang pag-iwan ng isang naiinis at layuan ninyo sila. Tunay na sila ay mga salaula, mga karima-rimarim ang kalooban. Ang pananahanan nila na kakanlungan nila ay ang Impiyerno bilang ganti para sa kanila dahil sa nakakamit nila ng pagpapaimbabaw at mga kasalanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 94 Susunod At-Tawbah • Talata 96