Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 94 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 94 sa 129 • Tagalog


يَعْتَذِرُونَ إِلَيْكُمْ إِذَا رَجَعْتُمْ إِلَيْهِمْ ۚ قُلْ لَا تَعْتَذِرُوا لَنْ نُؤْمِنَ لَكُمْ قَدْ نَبَّأَنَا اللَّهُ مِنْ أَخْبَارِكُمْ ۚ وَسَيَرَى اللَّهُ عَمَلَكُمْ وَرَسُولُهُ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَىٰ عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 94
Pagsasalin:
Nagdadahi-dahilan sila sa inyo kapag bumalik kayo sa kanila. Sabihin mo: “Huwag kayong magdahi-dahilan; hindi kami maniniwala sa inyo. Nagbalita na sa amin si Allāh ng mga ulat sa inyo. Makakikita si Allāh sa gawa ninyo at ang Sugo Niya, pagkatapos isasauli kayo [kay Allāh na] Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.” At-Tawbah 9:94
Tafsīr:
Naglalahad ang mga mapagpaimbabaw na nagpapaiwan sa pakikibaka ng mga kadahilanang mahina para sa mga Muslim sa pagbabalik nila mula sa pakikibaka. Namamatnugot si Allāh sa Propeta Niya at mga mananampalataya sa pagtugon sa kanila: "Huwag kayong magdahi-dahilan ng mga kadahilanang sinungaling; hindi kami maniniwala sa inyo sa ipababatid ninyo sa amin mula sa mga iyon. Nagpaalam na sa amin si Allāh ng isang bagay mula sa mga sarili ninyo. Makakikita si Allāh at ang Sugo Niya kung magbabalik-loob ba kayo para tanggapin ni Allāh ang pagbabalik-loob ninyo o magpapatuloy kayo sa pagpapaimbabaw ninyo? Pagkatapos pababalikin kayo tungo kay Allāh na nakaaalam sa bawat bagay para magpabatid Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa at [para] gumanti Siya sa inyo roon. Kaya magdali-dali kayo tungo sa pagbabalik-loob at gawang maayos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 93 Susunod At-Tawbah • Talata 95