Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga Arabeng disyerto ay higit na matindi sa kawalang-pananampalataya at sa pagpapaimbabaw at higit na nababagay na hindi makaalam sa mga hangganan na pinababa ni Allāh sa Sugo Niya. Si Allāh ay Maalam, Marunong. (97)
Tafsīr
Ang mga nakatira sa ilang, kung tumanggi silang sumampalataya o nagpaimbabaw sila, ang kawalang-pananampalataya nila ay higit na matindi kaysa sa kawalang-pananampalataya ng iba pa sa kanila kabilang sa mga nakatira sa pamayanan at ang pagpapaimbabaw nila ay higit na matindi kaysa sa pagpapaimbabaw ng mga iyon. Sila ay higit na nababagay sa kamangmangan sa Relihiyon at higit na karapat-dapat na hindi makaalam sa mga tungkulin, mga sunnah, at mga panuntunan ng mga patakarang pinababa Niya sa Sugo Niya dahil sa taglay nila na kabagsikan, kagaspangan, at kakauntian ng pakikihalubilo. Si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, Marunong sa pangangasiwa Niya at batas Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: