Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 99)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 99

وَمِنَ الْأَعْرَابِ مَنْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَيَتَّخِذُ مَا يُنْفِقُ قُرُبَاتٍ عِنْدَ اللَّهِ وَصَلَوَاتِ الرَّسُولِ ۚ أَلَا إِنَّهَا قُرْبَةٌ لَهُمْ ۚ سَيُدْخِلُهُمُ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 99 ٩٩

Mayroon sa mga Arabeng disyerto na sumasampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay at gumagawa sa ginugugol niya bilang mga pampalapit-loob sa ganang kay Allāh at [pagkamit ng] mga panalangin ng Sugo. Pansinin, tunay na ito ay pampalapit-loob para sa kanila. Magpapasok sa kanila si Allāh sa awa Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (99)

Tafsīr
Kabilang sa mga naninirahan sa ilang ang sumasampalataya kay Allāh, sumasampalataya sa Kabilang-buhay, at nagtuturing sa ginugugol niyang yaman ayon sa landas ni Allāh bilang mga pampalapit-loob na ipinanlalapit-loob niya kay Allāh at bilang kaparaanan para sa pananagumpay sa pamamagitan ng panalangin ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at paghingi nito ng tawad para sa kanya. Pansinin, tunay na ang paggugol niya ayon sa landas ni Allāh at panalangin ng Sugo para sa kanya ay mga pampalapit-loob para sa kanya sa ganang kay Allāh, na matatagpuan niya ang gantimpala sa mga ito sa ganang kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanya ni Allāh sa awa Nitong malawak na sumasaklaw sa pagpapatawad Nito at Paraiso Nito. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba