Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 99 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 99 sa 129 • Tagalog


وَمِنَ الْأَعْرَابِ مَنْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَيَتَّخِذُ مَا يُنْفِقُ قُرُبَاتٍ عِنْدَ اللَّهِ وَصَلَوَاتِ الرَّسُولِ ۚ أَلَا إِنَّهَا قُرْبَةٌ لَهُمْ ۚ سَيُدْخِلُهُمُ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 99
Pagsasalin:
Mayroon sa mga Arabeng disyerto na sumasampalataya kay Allāh at sa Kabilang-buhay at gumagawa sa ginugugol niya bilang mga pampalapit-loob sa ganang kay Allāh at [pagkamit ng] mga panalangin ng Sugo. Pansinin, tunay na ito ay pampalapit-loob para sa kanila. Magpapasok sa kanila si Allāh sa awa Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. At-Tawbah 9:99
Tafsīr:
Kabilang sa mga naninirahan sa ilang ang sumasampalataya kay Allāh, sumasampalataya sa Kabilang-buhay, at nagtuturing sa ginugugol niyang yaman ayon sa landas ni Allāh bilang mga pampalapit-loob na ipinanlalapit-loob niya kay Allāh at bilang kaparaanan para sa pananagumpay sa pamamagitan ng panalangin ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at paghingi nito ng tawad para sa kanya. Pansinin, tunay na ang paggugol niya ayon sa landas ni Allāh at panalangin ng Sugo para sa kanya ay mga pampalapit-loob para sa kanya sa ganang kay Allāh, na matatagpuan niya ang gantimpala sa mga ito sa ganang kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanya ni Allāh sa awa Nitong malawak na sumasaklaw sa pagpapatawad Nito at Paraiso Nito. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 98 Susunod At-Tawbah • Talata 100