Mayroon sa mga Arabeng disyerto na nagtuturing sa ginugugol nila bilang pagkakamulta at nag-aabang sa inyo ng mga pananalanta. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Si Allāh ay Madinigin, Maalam. At-Tawbah 9:98 ⧉
Tafsīr:
Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na naninirahan sa ilang na naniniwala na ang ginugugol niya na yaman ayon sa landas ni Allāh ay pagkalugi at multa dahil sa paghahaka-haka niya na siya ay hindi gagantimpalaan kung gumugol siya at hindi parurusahan ni Allāh kung nagkait siya. Subalit siya, sa kabila nito, ay gumugugol magkaminsan bilang pakitang-tao at bilang pagkukunwari. Naghihintay siya na may bumaba sa inyo, O mga mananampalataya, na isang kasamaan para makapagwaksi siya sa inyo. Ang minimithi nila na maganap sa mga mananampalataya na kasamaan at pagbabago-bago ng kalagayan sa pamamagitan ng hindi mapupuri ang kahihinatnan nito ay ginawa ni Allāh na nagaganap sa kanila mismo hindi sa mga mananampalataya. Si Allāh ay Madinigin sa anumang sinasabi nila, Maalam sa anumang kinikimkim nila.