Surah Al-Balad (Ang Lungsod) — سُورَةُ البلد
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
لَا أُقْسِمُ بِهَٰذَا الْبَلَدِ i
Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito (1)
وَأَنْتَ حِلٌّ بِهَٰذَا الْبَلَدِ i
habang ikaw ay napahihintulutan [na gumawa ng anuman] sa bayang ito [ng Makkah]. (2)
وَوَالِدٍ وَمَا وَلَدَ i
Sumpa man sa isang nag-anak [na si Adan] at sa inanak niya, (3)
لَقَدْ خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ فِي كَبَدٍ i
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapakahirap. (4)
أَيَحْسَبُ أَنْ لَنْ يَقْدِرَ عَلَيْهِ أَحَدٌ i
Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man? (5)
يَقُولُ أَهْلَكْتُ مَالًا لُبَدًا i
Magsasabi siya: “Umubos ako ng isang tambak na yaman.” (6)
أَيَحْسَبُ أَنْ لَمْ يَرَهُ أَحَدٌ i
Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man? (7)
أَلَمْ نَجْعَلْ لَهُ عَيْنَيْنِ i
Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata, (8)
وَلِسَانًا وَشَفَتَيْنِ i
isang dila, at dalawang labi? (9)
وَهَدَيْنَاهُ النَّجْدَيْنِ i
Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan [ng kabutihan at kasamaan]. (10)
فَلَا اقْتَحَمَ الْعَقَبَةَ i
Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan. (11)
وَمَا أَدْرَاكَ مَا الْعَقَبَةُ i
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan? (12)
فَكُّ رَقَبَةٍ i
[Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin, (13)
أَوْ إِطْعَامٌ فِي يَوْمٍ ذِي مَسْغَبَةٍ i
o pagpapakain sa isang araw na may taggutom (14)
يَتِيمًا ذَا مَقْرَبَةٍ i
sa isang ulilang may pagkakamag-anak (15)
أَوْ مِسْكِينًا ذَا مَتْرَبَةٍ i
o sa isang dukhang may paghihikahos. (16)
ثُمَّ كَانَ مِنَ الَّذِينَ آمَنُوا وَتَوَاصَوْا بِالصَّبْرِ وَتَوَاصَوْا بِالْمَرْحَمَةِ i
Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa. (17)
أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْمَيْمَنَةِ i
Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan. (18)
وَالَّذِينَ كَفَرُوا بِآيَاتِنَا هُمْ أَصْحَابُ الْمَشْأَمَةِ i
Ang mga tumangging sumampalataya sa talata Namin [sa Qur’ān] ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa. (19)
عَلَيْهِمْ نَارٌ مُؤْصَدَةٌ i
Sa ibabaw nila ay may apoy na nakataklob. (20)