Surah Al-Layl (Ang Gabi) — سُورَةُ الليل
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَاللَّيْلِ إِذَا يَغْشَىٰ i
Sumpa man sa gabi kapag bumabalot ito, (1)
وَالنَّهَارِ إِذَا تَجَلَّىٰ i
sumpa man sa maghapon kapag nahayag ito, (2)
وَمَا خَلَقَ الذَّكَرَ وَالْأُنْثَىٰ i
sumpa man sa pagkalikha sa lalaki at babae; (3)
إِنَّ سَعْيَكُمْ لَشَتَّىٰ i
tunay na ang pagpupunyagi ninyo ay talagang sarisari. (4)
فَأَمَّا مَنْ أَعْطَىٰ وَاتَّقَىٰ i
Kaya hinggil naman sa sinumang nagbigay [ng isinatungkulin] at nangilag magkasala (5)
وَصَدَّقَ بِالْحُسْنَىٰ i
at nagpatotoo sa pinakamaganda, (6)
فَسَنُيَسِّرُهُ لِلْيُسْرَىٰ i
magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamadali; (7)
وَأَمَّا مَنْ بَخِلَ وَاسْتَغْنَىٰ i
at hinggil naman sa sinumang nagmaramot at nagturing na makapagsarili (8)
وَكَذَّبَ بِالْحُسْنَىٰ i
at nagpasinungaling sa pinakamaganda, (9)
فَسَنُيَسِّرُهُ لِلْعُسْرَىٰ i
magpapadali Kami sa kanya para sa pinakamahirap. (10)
وَمَا يُغْنِي عَنْهُ مَالُهُ إِذَا تَرَدَّىٰ i
Ano ang maidudulot para sa kanya ng yaman niya kapag nabulid siya [sa Impiyerno]? (11)
إِنَّ عَلَيْنَا لَلْهُدَىٰ i
Tunay na nasa Amin ay talagang ang pagpapatnubay. (12)
وَإِنَّ لَنَا لَلْآخِرَةَ وَالْأُولَىٰ i
Tunay na sa Amin ay talagang ang Kabilang-buhay at ang Unang-buhay. (13)
فَأَنْذَرْتُكُمْ نَارًا تَلَظَّىٰ i
Kaya nagbabala Ako sa inyo ng apoy na naglalagablab. (14)
لَا يَصْلَاهَا إِلَّا الْأَشْقَى i
Walang masusunog doon kundi ang pinakamalumbay, (15)
الَّذِي كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ i
na nagpasinungaling [sa inihatid ng Sugo] at tumalikod. (16)
وَسَيُجَنَّبُهَا الْأَتْقَى i
Paiiwasin doon ang pinakatagapangilag magkasala, (17)
الَّذِي يُؤْتِي مَالَهُ يَتَزَكَّىٰ i
na nagbibigay ng yaman niya [sa kabutihan] habang nagpapakabusilak [sa kasalanan] (18)
وَمَا لِأَحَدٍ عِنْدَهُ مِنْ نِعْمَةٍ تُجْزَىٰ i
at hindi para sa isang mayroon siyang anumang biyayang gagantihan, (19)
إِلَّا ابْتِغَاءَ وَجْهِ رَبِّهِ الْأَعْلَىٰ i
bagkus dala ng paghahangad sa [ikalulugod ng] Mukha ng Panginoon niya, ang Pinakamataas. (20)
وَلَسَوْفَ يَرْضَىٰ i
Talagang malulugod siya [sa ibibigay ni Allāh]. (21)