Surah Al-Bayyinah (Ang Malinaw na Patunay — البينة) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




98 Al-Bayyinah(البينة), Talata 8

جَزَاؤُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۖ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا عَنْهُ ۚ ذَٰلِكَ لِمَنْ خَشِيَ رَبَّهُ 8 ٨

Ang ganti sa kanila sa ganang Panginoon nila ay mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Iyon ay ukol sa sinumang natakot sa Panginoon niya. (8)

Tafsīr
Ang gantimpala sa kanila sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punung-kahoy ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila dahil sumampalataya sila sa Kanya at tumalima sila sa Kanya, at nalugod sila sa Kanya dahil sa natamo nila na awa Niya. Ang awang ito ay natatamo ng sinumang nangamba sa Panginoon niya saka sumunod sa ipinag-uutos Niya at umiwas sa sinasaway Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba