bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo. Tunay na ang Panginoon mo ay palagawa ng anumang ninanais Niya. Hūd 11:107 ⧉
Tafsīr:
Bilang mga mamamalagi roon magpakailanman, hindi sila makalalabas mula roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa, maliban sa niloob ni Allāh na palabasin kabilang sa mga tagasuway ng mga monoteista. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay palagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya roon – kaluwalhatian sa Kanya.