Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 108 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 108 sa 123 • Tagalog


وَأَمَّا الَّذِينَ سُعِدُوا فَفِي الْجَنَّةِ خَالِدِينَ فِيهَا مَا دَامَتِ السَّمَاوَاتُ وَالْأَرْضُ إِلَّا مَا شَاءَ رَبُّكَ ۖ عَطَاءً غَيْرَ مَجْذُوذٍ 108
Pagsasalin:
Hinggil sa mga liligaya, sa Paraiso [sila] bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo, bilang bigay na hindi mapapatid. Hūd 11:108
Tafsīr:
Hinggil sa mga maligaya na nauna sa kanila ang kaligayahan mula kay Allāh dahil sa pananampalataya nila at kaayusan ng mga gawain nila, sila ay sa Paraiso bilang mga mamamalagi roon magpakailanman hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa, maliban sa niloob ni Allāh na papasukin sa Apoy bago ng Paraiso kabilang sa mga tagasuway ng mga mananampalataya. Tunay na ang kaginhawahang dulot ni Allāh para sa mga maninirahan sa Paraiso ay hindi mapuputol sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 107 Susunod Hūd • Talata 109