Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa kung ano ang sinasamba ng mga [tagapagtambal na] ito. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila bago pa niyan. Tunay na Kami ay talagang magtutumbas sa kanila ng bahagi nila nang hindi kinukulangan. Hūd 11:109 ⧉
Tafsīr:
Kaya huwag ka, O Sugo, maging nasa isang pag-aalinlangan at isang pagdududa sa katiwalian ng sinasamba ng mga tagapagtambal na ito sapagkat wala silang patunay na pangkaisipan at pambatas sa katumpakan nito. Ang nagbubuyo lamang sa kanila sa pagsamba sa iba pa kay Allāh ay ang paggaya nila sa mga ninuno nila. Tunay na Kami ay talagang maglulubos sa kanila ng bahagi nila mula sa pagdurusa nang walang pagkukulang.