Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 110 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 110 sa 123 • Tagalog


وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ فَاخْتُلِفَ فِيهِ ۚ وَلَوْلَا كَلِمَةٌ سَبَقَتْ مِنْ رَبِّكَ لَقُضِيَ بَيْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَفِي شَكٍّ مِنْهُ مُرِيبٍ 110
Pagsasalin:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit nagkakaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur’ān]. Hūd 11:110
Tafsīr:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah, ngunit nagkaiba-iba ang mga tao hinggil dito sapagkat sumampalataya rito ang iba sa kanila at tumangging sumampalataya ang iba pa. Kung hindi dahil sa isang pagpapasya mula kay Allāh na nauna: na Siya ay hindi magmamadali sa pagpaparusa bagkus magpapaliban nito hanggang sa Araw ng Pagbangon dahil sa isang kasanhian, talaga sanang bumaba sa kanila ang nagiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa sa Mundo. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo at mga tagapagtambal ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān, na nagsasadlak sa pag-aalinlangan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 109 Susunod Hūd • Talata 111