Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Hūd — Talata 99 (Tagalog) — Bidyo

Hūd • Talata 99 sa 123 • Tagalog


وَأُتْبِعُوا فِي هَٰذِهِ لَعْنَةً وَيَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ بِئْسَ الرِّفْدُ الْمَرْفُودُ 99
Pagsasalin:
Pinasundan sila rito [sa Mundo] ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Kay saklap ang handog na inihandog [sa kanila]! Hūd 11:99
Tafsīr:
Pinasundan sila ni Allāh sa buhay na pangmundo ng isang sumpa, isang pagtataboy, at isang pagpapalayo mula sa awa Niya kalakip ng tumama sa kanila na kapahamakan sa pamamagitan ng pagkalunod. Pasusundan Niya sila ng isang pagtataboy at isang pagpapalayo mula roon sa Araw ng Pagbangon. Kay sagwa ang nangyari sa kanila na pagsusunuran ng dalawang sumpa at pagdurusa sa Mundo at Kabilang-buhay!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Hūd • Talata 98 Susunod Hūd • Talata 100