Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 101 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 101 sa 111 • Tagalog


رَبِّ قَدْ آتَيْتَنِي مِنَ الْمُلْكِ وَعَلَّمْتَنِي مِنْ تَأْوِيلِ الْأَحَادِيثِ ۚ فَاطِرَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ أَنْتَ وَلِيِّي فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ ۖ تَوَفَّنِي مُسْلِمًا وَأَلْحِقْنِي بِالصَّالِحِينَ 101
Pagsasalin:
Panginoon ko, nagbigay Ka nga sa akin ng bahagi ng paghahari at nagtuturo Ka sa akin ng bahagi ng pagpapakahulugan sa mga panaginip. Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Ikaw ay Katangkilik ko sa Mundo at Kabilang-buhay. Magpapanaw Ka sa akin bilang Muslim at magpasama Ka sa akin sa mga maayos.” Yūsuf 12:101
Tafsīr:
Pagkatapos dumalangin si Jose sa Panginoon niya saka nagsabi: "O Panginoon ko, nagbigay Ka nga sa akin ng paghahari sa Ehipto at nagturo Ka sa akin ng pagpapahayag ng mga panaginip. O Tagalikha ng mga langit at lupa at Tagapagpasimula ng mga ito nang walang naunang pagkakatulad, Ikaw ay ang tumatangkilik sa lahat ng mga nauukol sa akin sa buhay na pangmundo at ang tumatangkilik sa lahat ng mga ito sa Kabilang-buhay. Kunin Mo ako sa sandali ng pagwawakas ng taning ko bilang Muslim at isama Mo ako sa mga propetang maayos kabilang sa mga ninuno ko at iba pa sa kanila sa Kataas-taasang Firdaws ng Paraiso."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 100 Susunod Yūsuf • Talata 102