Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 100 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 100 sa 111 • Tagalog


وَرَفَعَ أَبَوَيْهِ عَلَى الْعَرْشِ وَخَرُّوا لَهُ سُجَّدًا ۖ وَقَالَ يَا أَبَتِ هَٰذَا تَأْوِيلُ رُؤْيَايَ مِنْ قَبْلُ قَدْ جَعَلَهَا رَبِّي حَقًّا ۖ وَقَدْ أَحْسَنَ بِي إِذْ أَخْرَجَنِي مِنَ السِّجْنِ وَجَاءَ بِكُمْ مِنَ الْبَدْوِ مِنْ بَعْدِ أَنْ نَزَغَ الشَّيْطَانُ بَيْنِي وَبَيْنَ إِخْوَتِي ۚ إِنَّ رَبِّي لَطِيفٌ لِمَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ 100
Pagsasalin:
Nag-angat siya sa mga magulang niya sa trono at sumubsob sila sa harap niya na mga nakapatirapa [bilang pagpipitagan]. Nagsabi siya: “O ama ko, ito ay ang pagsasakatuparan ng panaginip ko bago pa niyan. Ginawa nga ito ng Panginoon na totoo. Gumawa nga Siya ng maganda sa akin noong nagpalabas Siya sa akin mula sa pagkabilanggo at naghatid Siya sa inyo mula sa ilang matapos na nagpasigalot ang demonyo sa pagitan ko at ng mga kapatid ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagtalos sa anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong. Yūsuf 12:100
Tafsīr:
Nagpaupo si Yusuf sa mga magulang niya sa supa na inuupuan niya at bumati sa kanya ang mga magulang niya at ang mga kapatid niyang labing-isa sa pamamagitan ng pagpapatirapa. Ito ay isang pagpapatirapa ng pagpaparangal, hindi ng isang pagsamba, bilang pagsasakatotohanan sa utos ni Allāh gaya ng sa mga panaginip. Dahil dito, nagsabi si Yusuf – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niya: "Ang pagbating ito sa pamamagitan ng pagpapatirapa sa akin mula sa inyo ay ang pagpapakahulugan sa panaginip kong nakita ko bago pa niyan at isinalaysay ko sa iyo. Ginawa ngang totoo ito ng Panginoon ko dahil sa pagkaganap nito. Gumawa nga ng maganda sa akin ang Panginoon ko nang nagpalabas Siya sa akin mula sa pagkabilanggo at nang naghatid Siya sa inyo mula sa ilang nang matapos na nanggulo ang demonyo sa pagitan ko at ng mga kapatid ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mabait sa pangangasiwa Niya sa anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay ang Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, ang Marunong sa pangangasiwa Niya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 99 Susunod Yūsuf • Talata 101