Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 31 sa 111 • Tagalog


فَلَمَّا سَمِعَتْ بِمَكْرِهِنَّ أَرْسَلَتْ إِلَيْهِنَّ وَأَعْتَدَتْ لَهُنَّ مُتَّكَأً وَآتَتْ كُلَّ وَاحِدَةٍ مِنْهُنَّ سِكِّينًا وَقَالَتِ اخْرُجْ عَلَيْهِنَّ ۖ فَلَمَّا رَأَيْنَهُ أَكْبَرْنَهُ وَقَطَّعْنَ أَيْدِيَهُنَّ وَقُلْنَ حَاشَ لِلَّهِ مَا هَٰذَا بَشَرًا إِنْ هَٰذَا إِلَّا مَلَكٌ كَرِيمٌ 31
Pagsasalin:
Kaya noong nakarinig ito hinggil sa pakana nila ay nagsugo ito sa kanila, naglaan ito para sa kanila ng isang piging, nagbigay ito sa bawat isa mula sa kanila ng isang kutsilyo, at nagsabi ito [kay Jose]: “Lumabas ka sa kinaroroonan nila.” Kaya noong nakakita sila sa kanya, dinakila nila siya, pinaghiwa-hiwa nila ang mga kamay nila [dahil sa pagkamangha], at sinabi nila: “Kasakdalan ay ukol kay Allāh! Ito ay hindi isang mortal. Walang iba ito kundi isang anghel na marangal!” Yūsuf 12:31
Tafsīr:
Kaya noong nakarinig ang maybahay ng Makapangyarihan sa pagmamasama nila rito at panlilibak nila rito, nagpadala ito sa kanila ng paanyaya sa kanila upang makita nila si Jose para humingi sila ng paumanhin dito. Naghanda ito para sa kanila ng isang lugar na may mga supa at mga unan. Nagbigay ito sa bawat isa mula sa mga babaing inanyayahan ng isang kutsilyong ipanghihiwa sa pagkain. Nagsabi ito kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Lumabas ka sa kinaroroonan nila." Kaya noong nakatingin sila sa kanya ay dumakila sila sa kanya. Nagulat sila sa kakisigan niya at namangha sila sa ganda niya. Dahil sa tindi ng pagkamangha sa kanya, nasugatan nila ang mga kamay nila ng mga kutsilyong inihanda para sa paghiwa sa pagkain. Nagsabi sila: "Nagpawalang-kapintasan si Allāh! Ang binatang ito ay hindi isang mortal sapagkat ang taglay niya na kagandahan ay hindi nalaman sa mortal. Walang iba siya kundi isang anghel na marangal kabilang sa mga anghel na mararangal!"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 30 Susunod Yūsuf • Talata 32