Nagsabi ito: “Kaya iyon ang isinisisi ninyo sa akin hinggil sa kanya. Talaga ngang nagtangka akong umakit sa kanya sa sarili niya ngunit nagsanggalang siya. Talagang kung hindi siya gagawa ng ipinag-uutos ko sa kanya ay talagang ibibilanggo nga siya at talagang siya ay magiging kabilang nga sa mga nanliliit.” Yūsuf 12:32 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan sa mga babae noong nakita nito ang dumapo sa kanila: "Ito ay ang binatang namintas kayo sa akin dahilan sa pag-ibig sa kanya. Talaga ngang umakit ako sa kanya at nanggulang ako sa pagpapalisya sa kanya ngunit tumanggi siya. Talagang kung hindi siya gagawa sa hinihiling ko mula sa kanya sa hinaharap ay talagang papasok nga siya sa bilangguan at talagang siya ay magiging kabilang nga sa mga kaaba-aba."