Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 53 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 53 sa 111 • Tagalog


وَمَا أُبَرِّئُ نَفْسِي ۚ إِنَّ النَّفْسَ لَأَمَّارَةٌ بِالسُّوءِ إِلَّا مَا رَحِمَ رَبِّي ۚ إِنَّ رَبِّي غَفُورٌ رَحِيمٌ 53
Pagsasalin:
Hindi ako nagpapawalang-sala sa sarili ko; tunay na ang sarili ay talagang palautos ng kasagwaan, maliban sa kinaawaan ng Panginoon ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad, Maawain.” Yūsuf 12:53
Tafsīr:
Nagpatuloy ang maybahay ng Makapangyarihan sa pagsasalita nito, na nagsasabi: "Hindi ako nagpapawalang-kinalaman ng sarili ko sa pagnanais ng kasagwaan at hindi ako nagnais niyon ng pagbibigay-matuwid sa sarili ko dahil ang gawi ng kaluluwang pantao ay ang kadalasan ng pag-uutos ng kasagwaan dahil sa pagkahilig nito sa ninanasa nito at sa kahirapan ng pagpigil nito roon, maliban sa kinaawaan ni Allāh na mga kaluluwa sapagkat nagsanggalang Siya sa mga ito laban sa pag-uutos ng kasagwaan. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 52 Susunod Yūsuf • Talata 54