Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 54 sa 111 • Tagalog


وَقَالَ الْمَلِكُ ائْتُونِي بِهِ أَسْتَخْلِصْهُ لِنَفْسِي ۖ فَلَمَّا كَلَّمَهُ قَالَ إِنَّكَ الْيَوْمَ لَدَيْنَا مَكِينٌ أَمِينٌ 54
Pagsasalin:
Nagsabi ang hari: “Dalhin ninyo siya sa akin, magtatangi ako sa kanya para sa sarili ko.” Kaya noong nakausap siya nito ay nagsabi ito: “Tunay na ikaw sa araw na ito sa amin ay isang matatag [sa katungkulan] na pinagkakatiwalaan.” Yūsuf 12:54
Tafsīr:
Nagsabi ang hari sa mga tagatulong nito noong luminaw para rito ang kawalang-sala ni Yusuf at ang pagkakaalam ng maybahay: "Maghatid kayo sa kanya sa akin, magtatalaga ako sa kanya bilang natatangi para sa sarili ko." Kaya inihatid nila siya sa hari. Kaya noong nakausap siya nito at luminaw para rito ang kaalaman niya at ang pagkaunawa niya, nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ikaw, O Yusuf, sa araw na ito sa ganang amin ay naging isang may katungkulan at reputasyon at isang pinagtitiwalaan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 53 Susunod Yūsuf • Talata 55