Gayon Kami nagbigay-kapangyarihan para kay Jose sa lupain [ng Ehipto]. Tumatahan siya roon saanman niya niloloob. Nagpapatama Kami ng awa Namin sa sinumang niloloob Namin, at hindi Kami nagwawala ng pabuya sa mga tagagawa ng maganda. Yūsuf 12:56 ⧉
Tafsīr:
Kung paanong nagmagandang-loob Kami kay Jose ng pagkawalang-sala at paglaya sa pagkakulong, nagmagandang-loob Kami sa kanya ng pagbibigay-kapangyarihan para sa kanya sa Ehipto. Nanunuluyan siya at naninirahan siya sa alinmang lugar na niloob niya. Nagbibigay Kami mula sa awa Namin sa Mundo sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Hindi Kami nagwawala ng gantimpala sa mga tagagawa ng maganda, bagkus magtutumbas Kami sa kanila nito nang ganap nang hindi kinukulangan.