Talagang ang pabuya ng Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga sumampalataya, at sila noon ay nangingilag magkasala. Yūsuf 12:57 ⧉
Tafsīr:
Talagang ang gantimpala ni Allāh na inihanda Niya sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa gantimpala ng Mundo para sa mga sumampalataya kay Allāh at sila noon ay nangingilag magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.