Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 63 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 63 sa 111 • Tagalog


فَلَمَّا رَجَعُوا إِلَىٰ أَبِيهِمْ قَالُوا يَا أَبَانَا مُنِعَ مِنَّا الْكَيْلُ فَأَرْسِلْ مَعَنَا أَخَانَا نَكْتَلْ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ 63
Pagsasalin:
Kaya noong bumalik sila sa ama nila ay nagsabi sila: “O ama namin, ipagkakait sa amin ang pagtatakal [kung hindi madadala si Benjamin]; kaya magpadala ka kasama sa amin ng kapatid namin, tatakalan kami. Tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat.” Yūsuf 12:63
Tafsīr:
Kaya noong bumalik sila sa ama nila at nagsalaysay roon ng nangyaring pagpaparangal ni Jose sa kanila ay nagsabi sila: "O ama namin, ipagkakait sa amin ang pagtatakal kung hindi namin dadalhin ang kapatid namin kasama namin kaya ipadala mo po siya kasama namin sapagkat tunay na kung ikaw ay magpapadala sa kanya kasama namin, tatakalan kami ng pagkain. Tunay na kami ay nangangako sa iyo ng pag-iingat sa kanya hanggang sa bumalik siya sa iyo nang ligtas."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 62 Susunod Yūsuf • Talata 64