Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 64 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 64 sa 111 • Tagalog


قَالَ هَلْ آمَنُكُمْ عَلَيْهِ إِلَّا كَمَا أَمِنْتُكُمْ عَلَىٰ أَخِيهِ مِنْ قَبْلُ ۖ فَاللَّهُ خَيْرٌ حَافِظًا ۖ وَهُوَ أَرْحَمُ الرَّاحِمِينَ 64
Pagsasalin:
Nagsabi siya: “Ipagkakatiwala ko kaya siya sa inyo malibang [napipilitan] kung paanong ipinagkatiwala ko sa inyo ang kapatid niya bago pa niyan? Ngunit si Allāh ay pinakamabuti bilang Tagapag-ingat, at Siya ay ang pinakamaawain sa mga naaawa.” Yūsuf 12:64
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Ipagkakatiwala ko kaya siya sa inyo malibang [napipilitan] kung paanong ipinagkatiwala ko sa inyo ang kapatid niyang buo, si Jose, bago pa niyan? Ipinagkatiwala ko na sa inyo si Jose at nangako naman kayo na mag-iingat sa kanya ngunit hindi kayo tumupad sa ipinangako ninyo kaya wala nang pagtitiwala sa ganang akin sa pangako ninyo ng pag-iingat sa kanya. Ang pagtitiwala ko ay nasa kay Allāh lamang sapagkat Siya ay ang pinakamabuti sa mga tagapag-ingat para sa sinumang ninais Niyang pag-ingatan at ang pinakamaawain sa mga naaawa sa sinumang ninais Niyang kaawaan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 63 Susunod Yūsuf • Talata 65