Magtanong ka sa [mga naninirahan sa] pamayanan na kami dati ay naroon at sa karaban na pumunta kami kasama nito. Tunay na kami ay talagang mga tapat.’” Yūsuf 12:82 ⧉
Tafsīr:
Upang makapagpatunay ka sa katapatan namin, magtanong ka po, O ama namin, sa mga mamamayan ng Ehipto na kami dati ay naroon at magtanong ka po sa mga kasamahan sa karaban na pumunta kami kasama ng mga iyon, magpapabatid sila sa iyo ng ipinabatid namin sa iyo. Tunay na kami ay totohanang talagang mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo hinggil sa kanya na pagnanakaw niya.'"