Nagsabi siya: “Bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang bagay, kaya isang pagtitiis na marilag [ang pagtitiis ko]. Sana si Allāh ay magdala sa akin sa kanila nang lahatan; tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong.” Yūsuf 12:83 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Ang usapin ay hindi gaya ng binanggit ninyo na pangyayaring siya ay nagnakaw, bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo na manlansi kayo sa kanya kung paanong nanlansi kayo sa kapatid niyang si Jose bago pa niyan. Kaya ang pagtitiis ko ay isang pagtitiis na marilag: walang hinaing dito kundi kay Allāh. Sana si Allāh ay magsauli sa kanila sa akin sa kalahatan: si Jose at ang kapatid niyang buo, at ang matandang kapatid nilang dalawa. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Maalam sa kalagayan ko, ang Marunong sa pangangasiwa Niya sa nauukol sa akin."