Nagsabi sila: “Sumpa man kay Allāh, nagpapatuloy kang umaalaala kay Jose hanggang sa ikaw ay maging malubha o ikaw ay maging kabilang sa mga napapahamak.” Yūsuf 12:85 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga kapatid ni Jose sa ama nila: "Sumpa man kay Allāh, hindi ka tumitigil, O ama namin, na umaalaala kay Jose at nagdurusa dahil sa kanya hanggang sa tumindi sa iyo ang karamdaman o mapahamak ka talaga."