Nagsabi siya: “Naghihinaing lamang ako ng dalamhati ko at lungkot ko kay Allāh at nakaaalam ako mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman. Yūsuf 12:86 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Hindi ako naghihinaing ng dumapo sa akin na pagkahapis at lungkot kundi kay Allāh lamang at nakaaalam ako mula sa kabaitan ni Allāh, paggawa Niya ng maganda, pagtugon Niya sa nagigipit, at ganti Niya sa nagdurusa ng hindi ninyo nalalaman mismo."