Kaya noong dumating ang mapagbalita ng nakagagalak ay ipinukol nito [ang kamisang] iyon sa mukha niya kaya nanumbalik siya na nakakikita. Nagsabi siya: “Hindi ba nagsabi ako sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman?” Yūsuf 12:96 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong nakarating ang tagapag-ulat ng magpapatuwa kay Jacob, ipinukol nito ang kamisa ni Jose sa mukha niya kaya siya ay naging nakakikita. Sa sandaling iyon ay nagsabi siya sa mga anak niya: "Hindi ba nagsabi ako sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam mula sa kabaitan ni Allāh at paggawa Niya ng maganda ng hindi ninyo nalalaman mismo?"