Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 11 sa 43 • Tagalog


لَهُ مُعَقِّبَاتٌ مِنْ بَيْنِ يَدَيْهِ وَمِنْ خَلْفِهِ يَحْفَظُونَهُ مِنْ أَمْرِ اللَّهِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُغَيِّرُ مَا بِقَوْمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُوا مَا بِأَنْفُسِهِمْ ۗ وَإِذَا أَرَادَ اللَّهُ بِقَوْمٍ سُوءًا فَلَا مَرَدَّ لَهُ ۚ وَمَا لَهُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَالٍ 11
Pagsasalin:
Para sa kanya ay may mga [anghel na] nagkakasunud-sunod mula sa harapan niya at mula sa likuran niya, na nag-iingat sa kanya ayon sa utos ni Allāh. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapaiba sa anumang nasa mga tao hanggang sa magpaiba sila sa nasa mga sarili nila. Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng isang kasagwaan ay walang pagpipigil doon. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang tagatangkilik. Ar-Ra‘d 13:11
Tafsīr:
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay may mga anghel na sumusunod ang isa't isa sa kanila sa tao sapagkat pumupunta ang iba sa kanila sa gabi at ang iba sa kanila sa maghapon. Nangangalaga sila sa tao ayon sa utos ni Allāh laban sa kabuuan ng mga pagtatakda na itinakda ni Allāh para sa tao na pigilin [na mangyari] ang mga ito sa tao. Nagsusulat sila ng mga sinabi nito at mga ginawa nito. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapaiba sa anumang nasa mga tao, mula sa isang kalagayang kaaya-aya tungo sa kalagayang iba pa na hindi nagpapagalak sa kanila, hanggang sa magpaiba sila sa nasa mga sarili nila gaya ng kalagayan ng pagpapasalamat. Kapag nagnais si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga tao ng isang kapahamakan ay walang tagapigil sa ninais Niya. Walang ukol sa inyo, O mga tao, bukod pa kay Allāh, na anumang tagatangkilik na tatangkilik sa mga nauukol sa inyo para dulugan ninyo para maitulak ang dumapo sa inyo na pagsubok.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 10 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 12