Siya ang nagpapakita sa inyo ng kidlat sa pangamba at sa paghahangad, at nagpapairal sa mga ulap na mabibigat. Ar-Ra‘d 13:12 ⧉
Tafsīr:
Siya ang nagpapakita sa inyo, O mga tao, ng kidlat at nagsasama para sa inyo rito ng pangamba sa mga lintik at paghahangad sa ulan. Siya ang nagpapairal sa mga ulap na namimigat sa tubig ng ulang masagana.