Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 21 sa 43 • Tagalog


وَالَّذِينَ يَصِلُونَ مَا أَمَرَ اللَّهُ بِهِ أَنْ يُوصَلَ وَيَخْشَوْنَ رَبَّهُمْ وَيَخَافُونَ سُوءَ الْحِسَابِ 21
Pagsasalin:
at mga nag-uugnay sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay, natatakot sa Panginoon nila, at nangangamba sa kasagwaan ng pagtutuos [sa Kabilang-buhay]. Ar-Ra‘d 13:21
Tafsīr:
Sila ay ang mga nag-uugnay sa bawat ipinag-utos ni Allāh na pakikipag-ugnay sa mga kaanak, natatakot sa Panginoon nila ayon sa takot na nagtutulak sa kanila sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at nangangamba na magtuos sa kanila si Allāh sa bawat kinamit nila na kasalanan sapagkat ang sinumang tinalakay sa pagtutuos ay mapapahamak.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 20 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 22