Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 17 sa 52 • Tagalog


يَتَجَرَّعُهُ وَلَا يَكَادُ يُسِيغُهُ وَيَأْتِيهِ الْمَوْتُ مِنْ كُلِّ مَكَانٍ وَمَا هُوَ بِمَيِّتٍ ۖ وَمِنْ وَرَائِهِ عَذَابٌ غَلِيظٌ 17
Pagsasalin:
Lalagok-lagukin niya ito at hindi niya halos malulunok ito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat pook ngunit siya ay hindi patay. Mula sa harap niya ay may isang pagdurusang mabagsik. Ibrāhīm 14:17
Tafsīr:
Nagpapakahirap siya sa pag-inom niya nang paulit-ulit dahil sa tindi ng pait nito at init nito at hindi niya nakakakaya ang paglunok nito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat dako dahil sa tindi ng ipinaghihirap niya dahil sa pagdurusa ngunit siya ay hindi pa patay para makapagpahinga na, bagkus mananatili siyang buhay na nasasaktan sa pagdurusa. Mula sa harapan niya ay may iba pang pagdurusang matindi na naghihintay sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 16 Susunod Ibrāhīm • Talata 18