Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 18 sa 52 • Tagalog


مَثَلُ الَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ ۖ أَعْمَالُهُمْ كَرَمَادٍ اشْتَدَّتْ بِهِ الرِّيحُ فِي يَوْمٍ عَاصِفٍ ۖ لَا يَقْدِرُونَ مِمَّا كَسَبُوا عَلَىٰ شَيْءٍ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الضَّلَالُ الْبَعِيدُ 18
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila [ay na] ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya [na magpanatili] sa anuman mula sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo [sa katotohanan]. Ibrāhīm 14:18
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa idinudulot ng mga tagatangging sumampalataya na mga gawain ng pagpapakabuti gaya ng kawanggawa, paggawa ng maganda, at awa sa mahina ay tulad ng mga abo na tumindi sa mga ito ang mga hangin sa isang araw na matindi ang ihip ng mga hangin kaya nagdala iyon sa mga ito nang malakas at nagpakalat sa mga ito sa bawat lugar hanggang sa walang natirang bakas para sa mga ito. Gayundin ang mga gawain ng mga tagatangging sumampalataya, tumatangay sa mga ito ang kawalang-pananampalataya kaya hindi nagpakinabang ang mga ito sa mga tagagawa ng mga ito sa Araw ng Pagbangon. Ang gawang iyon na hindi itinatag sa pananampalataya ay ang pagkaligaw na malayo sa daan ng katotohanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 17 Susunod Ibrāhīm • Talata 19