Hindi mo ba nakita na si Allāh ay lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Kung loloobin Niya ay makapag-aalis Siya sa inyo at makagagawa Siya ng isang bagong nilikha. Ibrāhīm 14:19 ⧉
Tafsīr:
Hindi mo ba nalaman, O tao, na si Allāh ay lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa ayon sa katotohanan saka hindi lumikha ng mga ito nang walang-kabuluhan? Kung loloobin Niya ang pag-aalis sa inyo, O mga tao, at ang paggawa ng isang nilikhang iba pa na sasamba sa Kanya at tatalima sa kanya sa halip ninyo ay talaga sanang nag-alis Siya sa inyo at naghatid Siya ng isang nilikhang iba pa na sasamba sa Kanya at tatalima sa Kanya sapagkat ito ay isang bagay na madali sa Kanya.