Darating ang pasya ni Allāh kaya huwag kayong magmadali nito. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila. An-Naḥl 16:1 ⧉
Tafsīr:
Nalalapit ang inihusga ni Allāh na pagdurusa ninyo, O mga tagatangging sumampalataya, kaya huwag kayong humiling ng pagpapadali nito bago ng panahon nito. Nagpawalang-kaugnayan si Allāh at pagkataas-taas Siya kaysa sa ginagawa para sa Kanya ng mga tagapagtambal na mga katambal.