Nagbababa Siya ng mga anghel, kalakip ng espiritu mula sa utos Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi:] “Magbabala kayo na walang Diyos kundi Ako, kaya mangilag kayang magkasala sa Akin.” An-Naḥl 16:2 ⧉
Tafsīr:
Nagpababa si Allāh ng mga anghel, kalakip ng pagkasi ng paghuhusga Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga sugo Niya, [na nagsasabi:] "Magpangamba kayo, O mga sugo, sa mga tao laban sa pagtatambal sa Akin sapagkat walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Ako kaya, mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga tao, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko."