Gumagawa-gawa lamang ng kasinungalingan ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga sinungaling. An-Naḥl 16:105 ⧉
Tafsīr:
Si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi sinungaling kaugnay sa inihatid niya mula sa Panginoon niya. Lumilikha-likha lamang ng kasinungalingan ang mga hindi nagpapatotoo sa mga tanda ni Allāh dahil sila ay hindi nangangamba sa isang pagdurusa at hindi umaasa sa isang gantimpala. Ang mga nailarawang iyon sa kawalang-pananampalataya ay ang mga sinungaling dahil ang pagsisinungaling ay kaugalian nilang nakaugalian nila.