Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 106 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 106 sa 128 • Tagalog


مَنْ كَفَرَ بِاللَّهِ مِنْ بَعْدِ إِيمَانِهِ إِلَّا مَنْ أُكْرِهَ وَقَلْبُهُ مُطْمَئِنٌّ بِالْإِيمَانِ وَلَٰكِنْ مَنْ شَرَحَ بِالْكُفْرِ صَدْرًا فَعَلَيْهِمْ غَضَبٌ مِنَ اللَّهِ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ 106
Pagsasalin:
Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh matapos na ng pagsampalataya niya – hindi ang sinumang pinilit habang ang puso niya ay napapanatag sa pananampalataya subalit ang sinumang nagbukas ng dibdib sa kawalang-pananampalataya – laban sa kanila ay isang galit mula kay Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan. An-Naḥl 16:106
Tafsīr:
Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh noong matapos ng pagsampalataya niya – hindi ang sinumang pinilit habang ang puso naman niya ay napapanatag sa pananampalataya subalit ang sinumang nabuksan ang dibdib sa kawalang-pananampalataya saka pumili nito kaysa sa pananampalataya at nagsalita hinggil dito nang nagkukusang-loob kaya siya ay tumalikod na sa Islām – laban sa kanila ay isang galit mula kay Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 105 Susunod An-Naḥl • Talata 107