Iyon ay dahil sila ay napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay at na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya. An-Naḥl 16:107 ⧉
Tafsīr:
Ang pagtalikod na iyon sa Islām ay dahilan sa sila ay nagtangi sa natatamo nila na mga basura ng Mundo bilang pantumbas para sa kawalang-pananampalataya nila kapalit ng Kabilang-buhay at na si Allāh ay hindi nagtutuon sa pananampalataya sa mga taong tagatangging sumampalataya, bagkus bumibigo sa kanila.