Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 108 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 108 sa 128 • Tagalog


أُولَٰئِكَ الَّذِينَ طَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَسَمْعِهِمْ وَأَبْصَارِهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْغَافِلُونَ 108
Pagsasalin:
Ang mga iyon ang mga nagsara si Allāh sa mga puso nila, pandinig nila, at mga paningin nila. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat. An-Naḥl 16:108
Tafsīr:
Ang mga nailarawang iyon sa pagtalikod sa pananampalataya matapos ng pagsampalataya ay ang mga nagpinid si Allāh sa mga puso nila kaya hindi sila nakaiintindi ng mga pangaral, sa mga pandinig nila kaya hindi sila dumidinig sa mga ito ayon sa pagdinig na napakikinabangan, at sa mga paningin nila kaya hindi sila nakakikita sa mga tandang nagpapatunay sa pananampalataya. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat sa mga kadahilanan ng kaligayahan at kalumbayan at sa inihanda ni Allāh para sa kanila na pagdurusa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 107 Susunod An-Naḥl • Talata 109