Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 123 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 123 sa 128 • Tagalog


ثُمَّ أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ أَنِ اتَّبِعْ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۖ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ 123
Pagsasalin:
Pagkatapos nagkasi Kami sa iyo na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal. An-Naḥl 16:123
Tafsīr:
Pagkatapos nagkasi si Allāh sa iyo, O Sugo, na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham sa Tawḥīd, sa pagpapawalang-kaugnayan sa mga tagapagtambal, sa pag-aanyaya tungo kay Allāh, at sa pagsasagawa sa Batas Niya bilang nakakiling palayo sa lahat ng mga relihiyon patungo sa relihiyong Islām. Hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal kailanman gaya ng inaakala ng mga tagapagtambal, bagkus siya noon ay isang naniniwala sa kaisahan ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 122 Susunod An-Naḥl • Talata 124