Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 124 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 124 sa 128 • Tagalog


إِنَّمَا جُعِلَ السَّبْتُ عَلَى الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِيهِ ۚ وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَحْكُمُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ 124
Pagsasalin:
Itinalaga lamang ang Sabath para sa mga [Hudyo na] nagkaiba-iba hinggil dito. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang maghahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba. An-Naḥl 16:124
Tafsīr:
Itinalaga lamang ang pagdakila sa Sabath bilang tungkulin sa mga Hudyong nagkaiba-iba hinggil dito upang ipangilin nila para sa pagsamba palayo sa mga pinagkakaabalahan nila matapos na nalayo sila sa araw ng Biyernes na ipinag-utos sa kanila na ipangilin ito. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang maghahatol sa pagitan ng mga nagkakaiba-ibang ito sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba para gumanti Siya sa bawat isa dahil sa anumang nagiging karapat-dapat dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 123 Susunod An-Naḥl • Talata 125