Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 105 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 105 sa 111 • Tagalog


وَبِالْحَقِّ أَنْزَلْنَاهُ وَبِالْحَقِّ نَزَلَ ۗ وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا مُبَشِّرًا وَنَذِيرًا 105
Pagsasalin:
Kalakip ng katotohanan nagpababa Kami nito at kalakip ng katotohanan bumaba ito. Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak [hinggil sa Paraiso] at bilang mapagbabala [hinggil sa Impiyerno]. Al-Isrā’ 17:105
Tafsīr:
Kalakip ng katotohanan nagpababa Kami ng Qur'ān na ito kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at kalakip ng katotohanan bumaba ito sa kanya nang walang pagpapalit at walang paglilihis. Hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, kundi bilang tagapagbalita ng nakalulugod hinggil sa Paraiso sa mga alagad ng pangingilag sa pagkakasala at bilang tagapagpangamba sa Impiyerno sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 104 Susunod Al-Isrā’ • Talata 106