Isang Qur’ān na nagbaha-bahagi Kami nito upang bigkasin ka nito sa mga tao sa mga yugto at nagbaba Kami nito sa [unti-unting] pagbababa. Al-Isrā’ 17:106 ⧉
Tafsīr:
Nagpababa Kami nito bilang Qur’ān na dinetalye Namin at nilinaw Namin sa pag-asang bigkasin mo ito sa mga tao ayon sa pagdadahan-dahan at sa paghihinay-hinay sa pagbigkas dahil ito ay higit na nagbubunsod sa pag-intindi at pagbubulay-bulay. Nagbaba Kami nito nang paunti-unti at baha-bahagi ayon sa mga pangyayari at mga kalagayan.