Huwag kang gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa para mauuwi kang isang pinupulaang itinatatwa. Al-Isrā’ 17:22 ⧉
Tafsīr:
Huwag kang gumawa, O tao, kasama kay Allāh ng iba pang sinasambang sasamabahin mo para ikaw ay maging pinupulaan sa ganang kay Allāh at sa ganang mga lingkod Niyang mga maayos, na walang tagapuri sa iyo, at isang itinatatwa mula sa Kanya, na walang tagapag-adya sa iyo.